.PAWANG.KATHANG.iSIP.LAMANG. :D
...dahil ang ibang bagay, hindi nangyayari sa totoongbuhay.

[PKILM] "Ang Buhay ay Isang Mangkok ng Mani"

Friday, May 07, 2010


Kasalukuyan kong binubo ang pangalawang strip ng "Seven [:D]eadly Scenes" kaninang umaga nang istorbohin ako ng bunso kong kapatid. Kumakain siya ng nilagang mani at naisipang paglaruan ito.

"Kuya... hanapin mo yung maning walang laman", nakangiti sya.

Sa dinami dami nga naman kasi ng lamang mani ng mangkok na hawak niya, napakahirap nang mahanap kung alin ang naiiba. Wala rin naman kasi halos pinagkaiba ang balat ng mani na walang laman sa maning hindi pa nagagalaw kapag naipwesto ng tama. Gayunpaman, sinubukan ko parin hanapin ang dinayang mani.

Doon, nakita ko, sa gilid ng mangkok... isang mani na tila tumatawag sa aking pansin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dinampot ko iyon, pero parang kakaiba talaga ang pagkakapwesto niya. Parang hindi natural.

Sa aking pagkagulat... balat nga lang ito at wala ngang lamang mani. Pero hindi lang ako ang nagulat, pati ang kapatid ko.

"Haha... hindi ako ang naglagay nyan! haha... iba yan. hanapin mo yung sakin!" tinapon niya ang mapanlinlang na mani.

Natawa na lang rin ako sa nangyari. What are the odds of that? haha! At dahil natuwa ako, sinubukan ko ulit... this time, yung mani na niya talaga ang hahanapin ko. Kaya sinubukan ko ulit yung technique ko kanina. Nakiramdam ako. Nagconcentrate. Pero kahit anong titig ang gawin ko sa mga nilagang mani na nakaharap sa akin, wala na akong makita o maramdamang kakaiba. Dumampot na lang ako ng kahit anong mani. At random.

Sure enough... nabunot ko, sa pangalawang pagkakataon, ang maning walang laman [O.o] Pero sa pagkakataong ito, tama na ang nakuha ko.

Walang katapusang tawanan at yabang ang kasunod na narinig sa kwarto.


~POWER THOUGHT:
Sa isang banda, ang mga tao na hinaharap sa atin ng tadhana ay parang mga mani sa mangkok ng buhay. At mayroon siyang isang maning tinago roon na gusto niyang mapili natin. Hindi magiging madali ang paghahanap sa tamang mani. Sa ating pagpili, may ilan na tatawag sa ating pansin. Mabubunot natin sila at makikitang tama ang ating naging desisyon. Pero ang kaso, nameet man nila ang requirements na itinatak ng panahon sa ating utak, more often than not, hindi naman pala talaga sila ang tamang mani. Akala lang natin. Tatanggalin ito ng tadhana sa mangkok at uudyukin kang sumubok ulit. Sa pagkakataong ito... maaari ka paring magkamali. Maaari ka rin namang tumama. Nasa sa iyo 'yun. Basta ang mahalaga, wag kang magpakadalubhasa sa pagdesisyon na parang alam mo na lahat ng tama para sayo. Minsan, kailangan mo lang magtiwala... at ang mangkok mismo ang magaabot sayo ng sagot.

Wow.. lalim nun ah.. [xD]
dinugo ang utak ko sa sarili kong gawa...
ako ba 'to? haha..!


** PKILM stands for "Pawang Kathang Isip Lamang Moment"... ikaw? Ano ang PKILM mo ngayong araw? SHARE na! Drop a line at the Discussion Tab of Pawang.Kathang.Isip.Lamang's Official Facebook Page [:D] 


Read On 0 comments

[COMIC] "Sloth"

Friday, May 07, 2010


SLOTH~
Isang buwan na lang... pasukan na ulet!
Tapos na ang maliligayang araw ng bakasyon...
At oras na para sa mas maliligayang araw ng pasukan! haha [:D]

Kaso ibig sabihin nun, bawal na magpuyat! hoho..
at kelangan nang gumising ng maaga [O.o]
Magkakatapat na naman kami ng bespren ko tuwing umaga...
ang SNOOZE button ng alarm clock.. haha!
(oh 'comon... don't tell me hindi mo rin ginagawa yun [;P] hehe...)

Anyway... SLOTH! sa tagalog Katamaran!
SLOTH is the avoidance of physical or spiritual work.
It is the failure to utilize one's talents or gifts.

At ano ang masaklap na kaparusahan na tatanggapin ng sinumang gagawa ng kasalanang ito?
Ayon sa isang website: You'll be thrown into snake pits. [:O]
Ayon sa experience: no internet surfing for a whole day. [D:] And fate was already being generous..

Have a productive day all!
...better yet, have a productive year [:DD]

Share

Read On 0 comments

iii. Seven [:D]eadly Scenes

Friday, May 07, 2010
INTRODUCTION:


Sabi ni Samuel Butler: "A sense of humor keen enough to show a man his own absurdities will keep him from the commission of all sins, or nearly all, save those worth committing."


Eto na ang unang comic strip series...
Isapuso ang bawat gintong aral na mapupulot sa mga ito ;P
tumawa sa tamang oras..
sa tamang lugar..
read between the lines...

Eto ang "Seven [:D]eadly Scenes".
...sa mga tagpong pawangkathangisiplamang.



Read On 0 comments

ii. Introduction

Thursday, May 06, 2010
"Is it weird in here, or is it just me?"
~Stephen Wright





Lahat tayo ay may mga pawangkathangisiplamang moments:
Pagkagising. Habang naliligo. Habang nakasakay sa jip.Tuwing lecture sa History class. Tuwing lecture sa kahit na anong class. Tuwing mag-isa at walang magawa. Bago matulog. At sa maraming pagkakataon... habang natutulog.

Ang blog na ito ang babahay sa bawat produkto ng mga tagpong ito sa aking buhay.

“You see things; and you say, 'Why?' But I dream things that never were; and I say, 'Why not?'”
..eto ang blog na pawangkathangisiplamang.
Dahil ang ibang bagay... hindi nangyayari sa totoongbuhay [:D]
~brianV


Read On 0 comments

i. Dedication

Tuesday, May 04, 2010
Ang blog na ito ay para sa...

mga perpektong tao
mga taong bobo
mga bampira
mga mangkukulam
mga notebook na pumapatay
mga tren na lumalabas sa sugat
mga multo sa kusina
mga prutas na nagsasalita
ang number 5 na pindutan sa electricfan
at sa lahat ng iba pang mga bagay na hindi naman talaga nageexist
sa TOTOONG BUHAY
:D

pawang kathang isip lamang
ang blog na ito at hindi dapat siniseryoso.
Hindi rin dapat-- WOAH!
 Isang napakacute na angel..!
*(-_- )

Read On 0 comments

[CONTENT©]

Tuesday, May 04, 2010
Based on a work at pawangkathangisiplamang.



You are free:
Under the following conditions:

  • Attribution — You must attribute the work in the manner specified by the author or licensor (but not in any way that suggests that they endorse you or your use of the work).

  • Noncommercial — You may not use this work for commercial purposes.

  • No Derivative Works — You may not alter, transform, or build upon this work.
With the understanding that:
  • Waiver — Any of the above conditions can be waived if you get permission from the copyright holder.
  • Other Rights — In no way are any of the following rights affected by the license:



    • Your fair dealing or fair use rights;
    • The author's moral rights;
    • Rights other persons may have either in the work itself or in how the work is used, such as publicity or privacy rights.
  • Notice — For any reuse or distribution, you must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page.
Read On 0 comments

MgaPostNaKakalagayLamang:

MgaCommentsNaKakapostLamang:

PKIL Hit Counter! Oye [:D]