[COMIC] "Envy"
Tuesday, June 01, 2010ENVY~
...I don't even know where to start with this one. haha! So eto na nga... Envy. Sa tagalog: inggit. At lahat tayo naranasan na 'to. Noong bata ka nainggit ka sa kaklase mo dahil ang pencil case niya nabubuksan sa dalawang side,meron pang magnifying glass, push-button compartments, at maze sa ibabaw na may silver na bola. Nainggit ka sa bestfriend mo dahil sya may Legendary Pokemon Cards, samantalang ikaw pikachu lang. Fake pa. Haha! Nainggit ka sa kapatid mo. Nagselos ka sa kaibigan mo.
Nakakalimot tayo sa mga sarili natin.
At the end of the day, there will always be someone who is more intelligent, more creative and better looking than you are, so just be the best you can and do the best you can. Envy is the art of counting the other fellow's blessing instead of your own.
[PKILM] "RULE #1: The Sudoku Rule"
Tuesday, May 18, 2010[Sometime Last Month]
My cousin finally got his Sudoku puzzle book today. Yay! He’s been wanting to have one since last week. And now, I can finally watch him try and answer it! Haha.. Everyone seems enthusiastic about it, too.
That might not sound pretty exciting... But you see, my cousin is just 6 years old [:D] You might remember him from the “Jack and the Beanstalk” story from my previous blog. Now he’s just gotten all better, and smarter for that matter. He says he wants to be a zoologist someday. Haha. He even makes his own “books” and presentations on Microsoft Word, paint and Powerpoint now. And yes, he ultimately knows more animals than the average adult [:P] He could beat you in a game of smarts any day. And now he knows SUDOKU! Isn’t that cute?
Well, to make the long story short, he was really able to answer one page all by himself. Clearly, he understands the mechanics and logic of the puzzle well. I am dumbfounded... without a doubt.
~POWER THOUGHT:
Never underestimate. And always try to learn something new. Believe in yourself and in the fact that that nothing can limit your ability to acquire new skills... not even your age.
[Later that Month]
Almost a week has gone by since my cousin amazed me with his SUDOKU feat. I had almost already forgotten about it. That is, until i saw his puzzle book lying around the living room. I grabbed it, wondering just how far he’s gone... Hurriedly, I shuffled through the pages expecting to see the wonders my cousin has put into the humble pages of the book.
To my surprise, or rather, my disappointment... only one page had answers in it. And it was the same page i saw him answer about a week ago. The other pages... untouched.
KathangIsip RULE #1: “The SUDOKU Rule”
Don’t Expect. Simply hope :)It's the same thing. Without the disappointments.
[COMIC] "Lust"
Tuesday, May 18, 2010Really had a hard time making this comic wholesome.. haha!
Ilang araw ko rin pinag-isipan kung 'pano gagawan ng strip ang LUST.
...at eto na nga ang naging resulta: isang korning comic strip na, more or less, sumisimbolo sa mga pagkakataong nalilimutan natin ang tunay na ibig sabihin ng LOVE.
PS: kung hindi mo nagets yung comic... BOLA sya nung past life. hehe. wateber...
[COMIC] "Gluttony"
Thursday, May 13, 2010Tanghalian @Mang Inasal! Yumyum...!
Unlimited rice! woohoo!
Naka-isang extra rice lang ako! eh!?
haha...! [xD]
Hindi ata ako masyadong nagutom kanina kahit na mula 3am hanggang 12pm eh nasa kalsada ako [O.o] Hinatid ko kasi bros & parents ko sa airport, kanina kasi ang flight nila pabalik ng saudi eh. Ibig sabihin... mag-isa na naman ako dito. At goodbye lutong bahay na naman para sakin pagluwas ko sa manila [:O]
Pano ba ako tataba nito [T.T] Darn... Hindi uso gluttony sakin eh. Haha! Kahit gaano kasi karami kainin ko, parang hindi lumalampas sa kailangan ko lang talaga. Maliban sa buto, wala na talagang tumataba sakin eh. haha!
Parati naman akong matakaw minsan...
ah ewan...
[COMIC] "Greed"
Tuesday, May 11, 2010
Naging biktima ka na ba ng kasakiman? Nanakawan? Nabudul-budol? May nakasabay ka na bang holdaper sa jeep? Eh sa bus?
Naging biktima ka na ba ng kasakiman? Nanakawan? Nabudul-budol? May nakasabay ka na bang holdaper sa jeep? Eh sa bus? Ilang beses ka na nanakawan? Nagnakaw ka na ba? Ikaw ba ang nagnakaw ng lumang 6680 phone ko noon sa Bataan Transit? UMAMIN KA NAH!!! IBALIK MO NA SAKIN ANG MEMORY CARD KOH... HWRAAAGGHH!!!
[POST] "Moms are not like Toasters"
Sunday, May 09, 2010
..but they're still pretty cool anyway [:D] Happy Mothers Day! Love you mom <3 as much as trees love water and sunshine.
[PKILM] "Ang Buhay ay Isang Mangkok ng Mani"
Friday, May 07, 2010Kasalukuyan kong binubo ang pangalawang strip ng "Seven [:D]eadly Scenes" kaninang umaga nang istorbohin ako ng bunso kong kapatid. Kumakain siya ng nilagang mani at naisipang paglaruan ito.
"Kuya... hanapin mo yung maning walang laman", nakangiti sya.
Sa dinami dami nga naman kasi ng lamang mani ng mangkok na hawak niya, napakahirap nang mahanap kung alin ang naiiba. Wala rin naman kasi halos pinagkaiba ang balat ng mani na walang laman sa maning hindi pa nagagalaw kapag naipwesto ng tama. Gayunpaman, sinubukan ko parin hanapin ang dinayang mani.
Doon, nakita ko, sa gilid ng mangkok... isang mani na tila tumatawag sa aking pansin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dinampot ko iyon, pero parang kakaiba talaga ang pagkakapwesto niya. Parang hindi natural.
Sa aking pagkagulat... balat nga lang ito at wala ngang lamang mani. Pero hindi lang ako ang nagulat, pati ang kapatid ko.
"Haha... hindi ako ang naglagay nyan! haha... iba yan. hanapin mo yung sakin!" tinapon niya ang mapanlinlang na mani.
Natawa na lang rin ako sa nangyari. What are the odds of that? haha! At dahil natuwa ako, sinubukan ko ulit... this time, yung mani na niya talaga ang hahanapin ko. Kaya sinubukan ko ulit yung technique ko kanina. Nakiramdam ako. Nagconcentrate. Pero kahit anong titig ang gawin ko sa mga nilagang mani na nakaharap sa akin, wala na akong makita o maramdamang kakaiba. Dumampot na lang ako ng kahit anong mani. At random.
Sure enough... nabunot ko, sa pangalawang pagkakataon, ang maning walang laman [O.o] Pero sa pagkakataong ito, tama na ang nakuha ko.
Walang katapusang tawanan at yabang ang kasunod na narinig sa kwarto.
~POWER THOUGHT:
Sa isang banda, ang mga tao na hinaharap sa atin ng tadhana ay parang mga mani sa mangkok ng buhay. At mayroon siyang isang maning tinago roon na gusto niyang mapili natin. Hindi magiging madali ang paghahanap sa tamang mani. Sa ating pagpili, may ilan na tatawag sa ating pansin. Mabubunot natin sila at makikitang tama ang ating naging desisyon. Pero ang kaso, nameet man nila ang requirements na itinatak ng panahon sa ating utak, more often than not, hindi naman pala talaga sila ang tamang mani. Akala lang natin. Tatanggalin ito ng tadhana sa mangkok at uudyukin kang sumubok ulit. Sa pagkakataong ito... maaari ka paring magkamali. Maaari ka rin namang tumama. Nasa sa iyo 'yun. Basta ang mahalaga, wag kang magpakadalubhasa sa pagdesisyon na parang alam mo na lahat ng tama para sayo. Minsan, kailangan mo lang magtiwala... at ang mangkok mismo ang magaabot sayo ng sagot.
Wow.. lalim nun ah.. [xD]
dinugo ang utak ko sa sarili kong gawa...
ako ba 'to? haha..!dinugo ang utak ko sa sarili kong gawa...
[COMIC] "Sloth"
Friday, May 07, 2010SLOTH~
Isang buwan na lang... pasukan na ulet!
Tapos na ang maliligayang araw ng bakasyon...
At oras na para sa mas maliligayang araw ng pasukan! haha [:D]
Kaso ibig sabihin nun, bawal na magpuyat! hoho..
at kelangan nang gumising ng maaga [O.o]
Magkakatapat na naman kami ng bespren ko tuwing umaga...
ang SNOOZE button ng alarm clock.. haha!
(oh 'comon... don't tell me hindi mo rin ginagawa yun [;P] hehe...)
Anyway... SLOTH! sa tagalog Katamaran!
SLOTH is the avoidance of physical or spiritual work.
It is the failure to utilize one's talents or gifts.
At ano ang masaklap na kaparusahan na tatanggapin ng sinumang gagawa ng kasalanang ito?
Ayon sa isang website: You'll be thrown into snake pits. [:O]
Ayon sa experience: no internet surfing for a whole day. [D:] And fate was already being generous..
Have a productive day all!
...better yet, have a productive year [:DD]
iii. Seven [:D]eadly Scenes
Friday, May 07, 2010
INTRODUCTION:
Sabi ni Samuel Butler: "A sense of humor keen enough to show a man his own absurdities will keep him from the commission of all sins, or nearly all, save those worth committing."
Eto na ang unang comic strip series...
Isapuso ang bawat gintong aral na mapupulot sa mga ito ;P
tumawa sa tamang oras..
sa tamang lugar..
read between the lines...
Eto ang "Seven [:D]eadly Scenes".
...sa mga tagpong pawangkathangisiplamang.
Sabi ni Samuel Butler: "A sense of humor keen enough to show a man his own absurdities will keep him from the commission of all sins, or nearly all, save those worth committing."
Eto na ang unang comic strip series...
Isapuso ang bawat gintong aral na mapupulot sa mga ito ;P
tumawa sa tamang oras..
sa tamang lugar..
read between the lines...
Eto ang "Seven [:D]eadly Scenes".
...sa mga tagpong pawangkathangisiplamang.
ii. Introduction
Thursday, May 06, 2010"Is it weird in here, or is it just me?"
~Stephen Wright
Lahat tayo ay may mga pawangkathangisiplamang moments:
Pagkagising. Habang naliligo. Habang nakasakay sa jip.Tuwing lecture sa History class. Tuwing lecture sa kahit na anong class. Tuwing mag-isa at walang magawa. Bago matulog. At sa maraming pagkakataon... habang natutulog.
Ang blog na ito ang babahay sa bawat produkto ng mga tagpong ito sa aking buhay.
“You see things; and you say, 'Why?' But I dream things that never were; and I say, 'Why not?'”
..eto ang blog na pawangkathangisiplamang.
Dahil ang ibang bagay... hindi nangyayari sa totoongbuhay [:D]
~brianV
i. Dedication
Tuesday, May 04, 2010
Ang blog na ito ay para sa...
mga perpektong tao
mga taong bobo
mga bampira
mga mangkukulam
mga notebook na pumapatay
mga tren na lumalabas sa sugat
mga multo sa kusina
mga prutas na nagsasalita
ang number 5 na pindutan sa electricfan
at sa lahat ng iba pang mga bagay na hindi naman talaga nageexist
sa TOTOONG BUHAY
:D
pawang kathang isip lamang
ang blog na ito at hindi dapat siniseryoso.
Hindi rin dapat-- WOAH!
Isang napakacute na angel..!
*(-_- )
[CONTENT©]
Tuesday, May 04, 2010"PAWANGKATHANGISIPLAMANG" by BrianV is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Philippines License.
Based on a work at pawangkathangisiplamang.
- to Share — to copy, distribute and transmit the work
Attribution — You must attribute the work in the manner specified by the author or licensor (but not in any way that suggests that they endorse you or your use of the work).
Noncommercial — You may not use this work for commercial purposes.
No Derivative Works — You may not alter, transform, or build upon this work.
- Waiver — Any of the above conditions can be waived if you get permission from the copyright holder.
- Other Rights — In no way are any of the following rights affected by the license:
- Notice — For any reuse or distribution, you must make clear to others the license terms of this work. The best way to do this is with a link to this web page.